Biglang Nagbago si BF at Bumalik sa Ex Niya

biglang nagbago
Image: pexels.com | pexels-photo-3043798

HeSaidSheSaidPH | Paano na nga ba kung biglang nakipag-break si BF at bumalik sa Ex niya? Makakaahon pa kaya siya?

Hello HSSS, I just want to hear some advice and prayers too. Please hide my identity po.

Kagagaling ko lang po sa break up. He is my third bf but so far, he has been my great love. Sinagot ko siya nung panahong ilang buwan pa alng silang hiwalay ng ex gf niya. Siniguro niya sa ‘kin bago yun na ako na ang mahal niya. Eto namang si ako na kahit may doubt kung totoo ba yung feelings niya para sa ‘kin, sumugal at sinagot siya — mahal ko na po eh.

Naging masaya kami loob ng apat na buwan. Sweet siyang bf. Wala kong masabi. Nawala lahat ng duda ko lalo pa’t ipinakilala niya ko sa buong family niya. Ganun din naman ako. Ipinakilala ko rin po siya sa buong angkan ko kasi that time sinasabi ko na sa sarili ko na siya na.

Sobrang ginawa kong mundo yung tao na yun. Hindi ko nga po napansin na napapalayo na ko sa pamilya ko pero never namzn sila nagreklamo. Nakikita kasi ng family ko na masaya ako.

Ang saya po, sobra. Our relationship is like a book open to the public. We always post our sweet photos, videos, and convos. I heard some friends saying how lucky I am that I found this kind of guy. He really showered me with love.

Hindi ko lang inaasahan na after one month of being quarantined at home mababago pala lahat.

Btw, di po kami magkasama niyan. During quarantine, lagi lang po through video calls, chat and text lang kami nag communicate.

One day, napansin ko na he was cold to me. Basta po something has changed. Then I began asking, nung una di pa po siya nagreply. Siyempre, nag-aalala po ako bakit.

Sabi po ng workmate niya di daw pumasok. Nag LBM daw po. Bakit kako sa ‘kin di siya mag-reply na ganon pala. Alam ko na po nun may mali. Nag o-over think na po ako.

Then nag-chat na po ako sa co-teacher ko who is our common friend, asking her to ask my bf bakit siya ganon towards me.

Tapos sa kanya po nag reply. Ini-screenshot po ng co-teacher ko and send to me. Sobrang sakit lang po kasi yung sinabi niya na naguguluhan daw siya sa feelings niya. Nami-miss niya daw po yung alaga ng ex gf niya ngayon kasi nawala na yung galit niya dun.

But what broke my heart the most was di niya na daw po nararamdaman ung dating love na meron siya sa ‘kin.😭😭😭

We chatted after that and hindi po nabago mga sinasabi niya. He was so sorry kasi daw nasasaktan niya ‘ko.

I did everything. Lahat ng pakiusap ginawa ko kahit pa sa mga magulang namin. Pero sa huli, tinapat niya ‘ko na di niya na ‘ko mahal. Sabi niya di siya nakipaghiwalay para bumalik sa ex niya.

Hinayaan ko na po. Umiyak na lang ako nang umiyak. Wala pang 1 week, nabalitaan ko that his ex came back from abroad for almost a week na. So naisip ko, kaya pala. He kept on denying pero wala pang 2 months na hiwalay kami I heard na nagkabalikan na nga sila.

Masakit po sobra. Kasi nung time na durog siya binuo ko siya. Pero sa huli ako ung nadurog. Hanggang ngayon pinipilit kong buuin ung sarili ko. Ayokong kainin ng lungkot at galit dahil alam kong wala akong ginawang masama sa kanila.

Ngayon po, 3 months na walang kami. Kinakaya ko ng pilit. May bago akong manliligaw na di ko pa mabigyan ng chance dahil alam kong di pa ko healed. Ayokong mangyari sa kanya ung ginawa sa ‘kin. Ayokong tumanggap para lang gawing rebound ung tao. Masakit yun. Mahirap. Nakakatrauma po.

Please pray for me.

Minsan naku-question ko po ung worth ko. Mabait naman po ako pero nangyari sa ‘kin ‘to. Gusto ko na pong bumalik sa dating ako. Simple pero payapa ang isip.

Sana po mabasa at mapag-pray niyo ako. Thank you po.

-Marci (Real name withheld)

OUR ADVICE:

Hello Marci. Don’t doubt your worth as a person. We are all worthy in the eyes of God. Tama yan just move forward. There are no short cuts. You really need to go through it and with prayers you’ll come out stronger and better. It’s okay not to be okay, but don’t stay there for too long. Here are some advice that hopefully will get you through.

  1. Cry and Cry some more
  2. Clear your baggage. Acknowledge, accept and let go of your feelings
  3. Recognize he is not the one for you
  4. Share with your close friends
  5. Don’t contact/stalk him. Unfriend/block
  6. Forgive him
  7. Do the things you love
  8. Create happy memories with friends and family
  9. Know there is nothing wrong with you or with him. No blaming. It just didn’t work out.
  10. Believe that God is preparing the right one for you.

God bless.

Tito Homer & Tita Jinky

(Visited 3,599 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments