Bisyo

by Terrence Castillo | shared on He Said, She Said |

Nandito na naman ako, nagmumukmok sa isang tabi, nagiisip kung hanggang kailan ko iindahin ang sakit na nakuha ko sa mga salitang sumugat sa puso ko na nanggaling mismo sa bibig mo.

Sige maglalagay ako ng baso, sabay sindi ng sigarilyo, para lang makalimot sa mga problemang naidulot mo.

Habang inilalagay ang alak sa baso ay napaisip ako. Na ikaw din pala ay isang alak, na dati ay nag painit sa aking katawan na siya ngayon ay sumisira sa aking panlasa.

Ikaw na din mismo ang sumira sa salitang “MAHAL KITA” habang tumatagal ang matamis na salitang iyan ay pumapait at habang tumatagal ay siyang napapaibabawan na ng yelo.

Ako’y nanibago, sabi mo sa akin ay dapat kong tigilan ang mga ito. Sabi mo sinisira lang ng mga ito ang katawan ko. Pero may mas malala pala sa mga ‘to.

Ikaw lang pala, ikaw lang pala ang masamang bisyo ko. Ikaw lang pala ang sumisira sa puso, isip at damdamin ko.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments