Dahil Kailangan

by JielC.T. on He Said, She Said |

Pagkatapos ng dalawang taon, iniwan kita.
Di dahil gusto ko kundi dahil kailangan.
Dumating ang araw ng muli nating pagtatagpo,
Natakot ako na baka maraming nagbago.
Pero hindi. Hindi nabago lahat.
Nandun pa rin na parang kahapon lang tayo huling nagkita.
Na parang ako at ikaw pa rin,
Na parang sayo ako at akin ka lang.
Masaya, nagkahawak kamay, nagkamustahan at nagtawanan.
Nagkaroon ng seryosong usapan tungkol sa nakaraan
Umamin ako sa tunay kong dahilan,
Na hindi ko sinabi kahit kanino man, ni sa pinakamatalik kong kaibigan.
Nagulat ka pero wala kang sinabi kundi “nasaktan ako ng sobra”.
Gustong tumulo ng luha ko,
Gustong umabot ng kamay ko sa ‘yo,
Gustong pumintig ng puso ko,
Na parang ikaw lang at ako.
Ngunit bago pa man ang ating pagkikita,
May nalaman na kong isang bagay na pilit ko ngayon tinatanggap.
Yun ay may bago kana.
Bagong tao na hahawak sa kamay mo,
Bagong tao na susuyuin mo,
Bagong tao na magpapasaya at pasasayahin mo,
Bagong tao na sasabihan mong paulit ulit na “mahal kita”, “ikaw lang”.
Nakaramdam ako ng sakit na mas malala pa sa naramdaman ko nung iwan kita.
Mali man sabihin, pero sinambit ko pa rin sayong mahal pa rin kita.
Na sa kahit sinong nagdaang tao, ikaw at ikaw pa rin ang totoong laman ng puso ko.
Ngumiti ka, sinabi mong mahal mo pa rin ako ngunit may kasunod na “pero hindi na tulad ng dati”.
Tinanggap ko at humingi ako ng pasensya.
Pasensya sa lahat ng masasakit na salitang binitiwan ko,
Pasensya sa lahat ng pagkakataong naging duwag ako,
Pasensya sa pagbitaw sa pangako,
Pasensya sa pagwasak ng ‘yong puso.
Ang sagot mo’y hindi parin nagbago,
“Nasaktan ako ng sobra”.
Naulit ang ating usapan tungkol naman sa kasalukuyan.
Pareho nating pinilit na hindi lumuha kahit mabigat sa ating kalooban.
Dahil una, wala tayo sa tamang lugar, at dahil hindi pa natin kaya.
Hindi ko masasabing nagsisisi ako sa ginawa kong desisyon noon.
Dahil kahit natapos ang lahat sa atin, ang mga pangarap ko naman ay unti unti kong naaatim,
Na hindi ko magawang abutin nung tayo pa ang magkasama.
Isa pang bagay na ipinagpapasalamat ko, ay ang nakita kitang masaya na ulit,
Masaya na ulit sa piling ng iba.
Hangad ko ang kaligayahan mo mahal.
At nagpapasalamat ako sa dalawang taon na inilaan mo sakin.
Nakaramdam ako ng sobrang pagmamahal dahil sa ‘yo,
Umaasang sa takdang panahon ay mahanap ko ulit ito.
Hindi magbabago ang laman ng puso ko,
Dahil nakatatak kana rito.
Ikaw ang una sa lahat at mananatiling una.
Paalam na mahal.
Kailangan na kitang tuluyang bitawan.
Di dahil gusto ko kundi dahil kailangan.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments