Dalawang Taon

by FAM | shared on He Said, She Said |

Dalawang taon na ipinag palit mo sa babaeng tatlong araw mo palang kakilala. Ganon ba ko ka walang kwenta? Aminado ko sa mga pag kukulang ko sayo. Pero mahal hindi sapat na kabayaran ‘yon para lokohin ako.

Ang sabi mo pa sa ‘kin ng nag hiwalay tayo na “minsan kailangan ng bumitaw para mas maging masaya ka.” Na siya kase yung nasandalan mo nung hindi tayo masaya. Para MAS maging masaya? Nasandalan mo? Eh kung gano’n pala mahal patawarin mo ‘ko.

PATAWAD
Patawad na kahit ang dalas kong naramdaman na hindi na ko masaya sa ‘yo at may mas mag papasaya sa ‘kin hindi pa din kita iniwan. Kase mahal alam kong minsan ka nang iniwan at ayaw kong maramdaman mo uli ‘yon. Patawad dahil sa tuwing nararamdaman ko ‘yon mas inisip ko yung mararamdaman mo kesa sa kasiyahan ko.

Patawad kung ala ako nung mga panahong siya yung sinasandalan mo sa problema nating ikaw din naman ang may kasalanan. Umiiyak kasi ko sa apat na sulok ng k’warto ko n’on habang ikaw nakasandal sakanya.

Halos isang buwan nadin mula ng tapusin mo ang lahat mahal. Isang buwan na puno ng luha, isang buwan na walang tulog, isang buwan ng pagpapanggap. Habang ikaw, habang kayo masaya. Turuan mo naman ako mahal kung pa’no maging masaya habang alam mong may sinasaktan ka.

Nababalitaan ko naisasama mo daw siya sa inyo at gano’n din siya. Naipapakilala mo rin siya sa mga barkada mo at nakakainuman nila. Mahal hihingi uli ako ng tawad.

Patawad kung hindi ako yung babae na dumaan sa buhay mo na kukunsintihin ka sa alak at sa yosi.

Patawad kung hindi ako yung babae na madadala ka at maipapakilala sa pamilya.

Patawad kung hindi ako yung babae na makakasama mo sa inuman at iuuwi ng madaling araw.

Patawad dahil magkaibang magkaiba tayo , patawad dahil hindi kita nasabayan sa bisyo mo nung mga panahong tayo pa.

Patawad dahil naniwala ako na hihintayin mo yung tamang edad ko para maging legal tayo.

Patawad kasi tinanggap kita ng paulit-ulit sa mga kasalanan mo samantalang ako kahit isang pag kakataon (na hindi ko naman dapat hiningi) hindi mo pa pinag binigyan. Kase nag hanap ka agad. Nakakatawa mahal diba? Ako na yung sinaktan mo pero ako pa ‘tong nag makaawa at humingi ng tawad sayo.

PERO..
Pero mahal hindi ako hihingi ng tawad sa hindi ko pag bibigay sayo ng gusto mong kunin noon pa man na alam kong maibibigay niya agad-agad (as in agad) sa ‘yo.

At mahal sa huling pag kakataon sana alam mo, dahil ako alam ko na hindi ko masisisi yung sarili ko sa mga bagay na hindi ko nagawa at naibigay sa’yo. Dahil bago ka pa man nag pumilit na pumasok sa buhay ko. Alam mo na ‘yung mga bagay na kaya at di ko pa kayang gawin para sa’yo.

Kaya di ko maisisisi sa sarili ko kung hinanap mo yung kaimperpektuhan ng relasyon natin sa iba kase simula palang alam mo na ‘yon at nag pumilit ka padin na pumasok habang nangangakong kakayanin mo, natin. Na mag aantay ka ng tamang panahon. Yun nga lang siguro ang pag kakamali ko. Yung naniwala ako. Pero sa totoo lang kasi? Kaya naman nating pahabain at gawing perpekto yung dalawang taon na yon e. Kasi sa ‘kin perpekto na yon basta andyan tayo pareho pero sayo pala hindi. Kung di ka lang sana nag hanap, kundi ka lang lumingon habang nangangati. Kung nakuntento ka lang sana. De sana maayos pa ang lahat di man perpekto pero totoo.

Kasi ako hanggang ngayon sayo padin. Sayo lang. Andito padin kahit ako nalang ang nananatili. Pero wala na mahal malayo ka ng nag lalakbay kasama ang iba. Ang layo layo mo na. TAPOS NA. Yun ang katotohanan.

Pero ok lang yon mahal. Mahirap man tanggapin pero mas mabuti ng ako yung niloko kesa ako yung nanloko. Salamat nalang din kay God kase nabawasan kayong manloloko sa buhay ko.

Masyado ng mahaba. Huli na ‘to, mahal. Paalam na “mapait kong nakaraan”.

P.S. Ako na ang gumawa na humingi ng tawad mo para sakin dahil alam kong hindi ko yan maririnig sayo kahit kailan.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments