Dati

by Iris Vivien Lacao | shared on He Said, She Said |

Ang sakit isiping hindi na tayo tulad ng dati
Dati na ako lang ang dahilan ng iyong matatamis na ngiti
Dati na sobrang mahal natin ang isa’t isa
Yung pinag-isang walang pakialam sa sasabihin ng iba

Sa bawat oras na ika’y kasama
Di maipagkakaila na sobrang saya nating dalawa
At ang saya’t ligaya nating nadama
Ay magsisilbi na lang itong alaala

Alaala na ako na lang ang nakakaalala
Mga pangako mong tuluyang napako na
Sabi mo noon hindi mo ako iiwanan
At ngayon ako’y iyo nang nilisan

Heto ako ngayon iniisip ang lahat
Lahat ng masasaya at malulungkot nating alaala
Hindi ko lubusang maisip na wala na talaga
Na ngayon ay tuluyang ako na lang mag-isa

At ngayong wala ka na di ko alam kung saan magsisimula
Sa bawat magdaraang araw na parang kailan lang tayo’y masaya
Ngayon ay ako na lang, malungkot ay nag-iisa

Ang bilis ng panahon;
Ang hirap mag-move on;
Ang sakit ng nararamdaman ko
Pero kakayanin ko.
Kaya ko. Kaya ko.


Feel free to send in your poems (English or Tagalog) via message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right approve or reject submissions for postin

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments