Di Matahimik

Di Matahimik

Hi po. Gusto ko po humingi ng payo. I’m 34 years old, Single Mom. I have Fiance po kaso po hindi po kami in good terms ngayon. Madami po kasi ako issues sa kanya mahal ko po naman siya at siya na po talaga gusto ko makasama. He is also a Single Dad at mas matanda sa akin ng 14 yrs. Age doesn’t matter naman pag dating sa love at magkasundo naman po kami ng mga anak niya at anak ko wala po problema.

I met him when I was broken hearted sa past ko at may anak na ko that time office mate po kami. Una po ayoko sa kanya dahil di naman po ako attracted pero unti unti na rin po ako na develop at dumating po na nag karoon kami ng intimate at hanggang Mutual Understanding lang kasi ayaw nya po ng commitment. 3 yrs din po kami naging MU. Then 2013 iniwan nya ako nalaman ko may iba na siya at nag resigned po ako sa work kung san kami nag work at nag abroad ako papuntang Dubai. After 11 months pumunta siyang Dubai para sunduin ako at umuwi na sa pinas at ituloy na namin yung relationship na as a GF/BF.

Ok naman pag uwi ko po dito naging ok pero po nalaman ko sa anak nya na na meet nila yng pinalit nya sa akin bago ako Mag Dubai at tawagan pa daw nila LOVE for me napaka unfair kasi naging GF /BF yung trato nila sa isat isa kaso ako 3 yrs na MU lang at kahit nakausap ko yung Ex Gf nya na yon na naging sila talaga pero para sa kanya di daw naging sila. Pero bakit po ganon dala dala ko pa din hanggang ngayon pag sisinungaling nya..Kaya mahilig po ako mag imbestiga at pag nag away po kami 3 weeks wala po kami communication kaya napapaisip po ako na baka meron sya nakaka siping yon po kasi lagi nya sinasabi na pag aaway kami madali lang sya makahanap ng babae kaya po praning ako lagi.

Lagi rin po sya nag lie sa akin one time po pag check ko sa phone nya meron po naka save sa favorites sa contacts sya sa phone sabi nya ka meeting nya po daw yon at describe nya po na matanda na pero nakita ko po sa viber ko bata pa yung ka meeting nya. Tapos po yung huli naman pinag awayan sabi nya po antok na antok na sya at matutulog na sya pero nakita ko po na naka online po sa sta viber then i called him po sabi ko bakit gising ka pa sabi nya nag online lng po daw sya sa Fb dahil kausap nya po daw brother nya then ask ko po kung may viber sya sabi nya po Wala po daw yon po nainis ako bakiy di sya maging honest feeling ko may lagi syang tinatago at masakit sa akin 7 yrs na kami pero di po nya ako upload ng mga pics sa Fb nya. Kasi lagi po ako napapaisip bakit gnon po na feel ko naman po ng love nya ako pero parang di sya proud sa akin at bakit po pag mag sex kami sweet sya pero pag lalambingin ko po sya ayaw nya na parang napapaisip po ako nag proposed na sya pero mag 1 yr wla pa rin po plano sa kasal namin. Ako po ba may problema dahil sobra ako mag expect. Kasi sabi nya burden na po daw ako cgro po dami ko po insecurities pag dating sa relationship. Sana po mabigyan nyo po ako ng payo. Salamat

– Liz

OUR REPLY

HE SAID: Hi Liz, thanks for messaging. Sensya na kasi marami talaga kaming sinagot. From the point of view of guy, parang ayaw niya lang talagang mag-commit at this time, if at all. Yan ang puno’t dulo ng lahat, kung babalikan mo lahat. Then again, let’s be hopeful of the future. Kung siya talaga ang para sa yo, at ikaw sa kanya, then lahat ito maayos. Pero kung sa ngayon palang ay duda ka na, mas malala ang problema kung nagsasama na kayo. Remember, you have a kid, too. So siya dapat ang priority mo sa ngayon at di yung guy. Sa anak mo dapat nakatuon ang lahat ng desisyon mo. Kung wala kang peace, then the door is always open. Ask God to first clear your mind and heart. Dapat, sigurado ka sa mga hakbang mo. Wag mong tingnan ang age mo, ok? Di na yan ang issue. It’s your future that’s at stake here. You need someone who can commit and be true to his word. Seek God’s plan for you. Go for a peaceful life. We’ll pray for you. – Tito Homer

SHE SAID: Hello Liz. Ang relasyon na walang tiwala sa isa’t isa ay mahirap. Dapat mong pag isipan mabuti habang hindi pa kayo kasal ang mga sumusunod.
1. Kaya mo ba siyang pagkatiwalaan kapag hindi mo siya kasama?
2. Ikaw ba ang gumagastos sa kaniya madalas? Dapat kasi siya ang gagastos. Anak mo lang ang obligasyon mo.
3. Kaya mo bang paniwalaan lahat ng sasabihin niya. Tandaan mo trust is the firm foundation in any relationship.
4. Baka naman wala ka ng gawin kapag kasal na kayo kung hindi imbistigahan at bantayan ang bawat kilos niya at alamin ang katotohanan sa bawat sasabihin niya. This will not be healthy in any relationship. Again trust is important. – Tita Jinky

(Visited 3,373 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments