Fairview

Fairview

ni Stara29 Lipmad

Sorry for leaving you instantly. Di ko alam kung anong nararamdaman mo ngayon or kung may gusto ka pa bang sabihin sa ‘kin. Kung gusto mo kong murahin o ano.

Alam mo naman naging takbo ng relasyon natin kasalanan ko kung bakit di tayo nagtagal at kung bakit di rin natin p’wedeng ipaglaban kahit pa naniniwala ako na ang mali, magiging tama din sa huli.

Sinubukan ko naman ‘by, maniwala ka. Yung araw na bigla nalang din akong bumalik sa ‘yo akala ko handa na ako eh. Sobrang na-miss kita n’on, at hanggang ngayon.

Hindi ko alam hanggang kailan kita iisipin. Sa ngayon, mag-isa lang ako. Oo walang kami. Hindi ko s’ya binalikan gaya ng sinabi mo. Gusto ko lang muna mapag-isa at hanapin ang sarili ko. Gusto ko lang din malaman kung okay ka lang ba?

Sana ‘wag mo seryosohin ang pagkawala ko. Maging masaya ka sana at makahanap ng taong mamahalin ka higit pa sa ipinakita ko.

Mahal kita by at sobrang namimiss ko ang bonding natin. Shawarma moments. Labas sa gabi. At madami pa. Pero pakawalan mo na ‘ko kung nakakulong man ako sa puso mo at maging masaya ka sana. At sana balang araw magkita pa din tayo pero wala ng sakit.

Ps: Macho ka na ba? “Who you” na siguro ako.

From: Always be your baby

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments