Forever?

by Ghie Beriña Samaniego | shared on He Said, She Said |

pag-ibig ko sayo’y tila isang dagat
tanaw mo na may hangganan subalit di mo sukat kung hanggang saan
walang kasing pait kung sakaling durugin
pusong tapat saiyo lamang giliw

sa paglipas ng panahon unti-unting nagbago
halimuyak sa hardin nagsimulang bumaho
pangakong itinatak lahat ay napako
wagas na pag-ibig wala na’t naglaho

sisisirin ko na lamang dagat na pangako
sisid na para di na makahinga pa …
di na makahinga pusong nawasak
baka sakali lamang na hapdi ay malimot

ngayong alam ko na ayoko ng maniwala
mabulaklak na salita na di kapani-paniwala
wagas daw ang pag-ibig na mauwi sa wala
pangakong FOREVER wala ring napala..


Feel free to send in your poems (English or Tagalog) via message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments