Gusto ko nang maging masaya ka

by Gaylee Mae Michelena Reyes | shared on He Said, She Said

Gusto kitang isulat, gusto kitang ik’wento
Gusto kong ulit-ulitin kung anung meron tayo
Gusto kong maalaala saan tayo nagsimula
Gusto kong balikan mga binitawan nating salita.

Gusto kong maging sagot sa mga tanong mo
Gusto ko ulit maging sapat para sa ‘yo.
Gusto kong pawiin ang mga takot mo
Gusto ko ulit buuin ang Ikaw at Ako.

Pero sa twing ako’y lumalapit,
sa t’wing hawak ko sa ‘yo ay humihigpit
Nararamdaman kong nasasakal kita,
nasasaktan, at ang dati mong saya ay kupas na.

Hinihiling mo sa akin na palayain ka,
Gusto mong sa pagkakataong ito ay bitawan na kita
Sinabi mong kung tayo talaga ay babalik ka
ngunit sa mga oras na to ay wala na talaga.

Minsan ka lang humiling, kaya gusto ko sanang ibigay sa ‘yo ito,
Hindi ko maipapangakong agad, pero Oo- pipilitin ko.
Susubukan kong magbago sa paraang gusto mo.
Pipilitin kong isantabi anuman itong nararamdaman ko.

Gusto ko nang maging masaya ka
Kaya hiling mo ay ibibigay ko na
Sa huling pagkakataong ito ay sasabihin ko sayong MAHAL KITA,
Kasabay nito, ako sa ‘yo ay magpapaalam na.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments