Hanggang Kailan?

by Shaina Joyze Ybanez |

Bago ko umpisahan itong aking ginawa
Gusto ko ipaalam na ito’y mabigat
Mabigat tulad ng aking dinanas
Sa pag-ibig na kanilang tinatawag

Hanggang kailan?
Hanggang kailan ako aasa?
Aasa na babalik ka?
Na sasabihin mong ako na
Ako na ang iyong sinisinta.

Minsan naiisip ko din, ano nga bang meron sya?
Ano bang meron s’ya na wala ako.
Ano bang meron s’ya kaya sya ang pinili mo
Alam kong mas nakakalamang ako pero bakit sya ang minahal mo?
Talaga bang kahit lamang ka may mas makakahigit sa ‘yo?

Matagal ko ding pinangarap na sana’y ako naman ang mahalin mo
Na sana ako nalang ang piliin mo
Na sana ako na lang ang nasa yakap mo
Na sana ako nalang ang nasa lugar ng taong yun

Pero ano nga bang laban ko?
Sa taong mahal mo?
Lamang man ako pero sya ang mahal mo
S’ya ang iniisip mo minu minuto
S’ya ang pinapangarap mong makasama sa buhay mo
S’ya ang mahal mo na kahit anong gawin ko
Na kahit anong suporta ko di mo makikita ang pagmamahal ko sa ‘yo.

Dumating ang araw na sinabi mong ako na ang mahal mo
Na ako na ang pinapangarap mo at iniisip mo.
Pero bakit ganun?
Imbis na matuwa ako nasaktan at nalungkot ako.
Nasaktan ako dahil maaaring panakip butas lang ako
At nalungkot ako dahil mahal mo na ako.

Nalungkot ako dahil bakit pa ngayon?
Kung kelan gusto nang bumitaw ng puso ko mula sa ‘yo?

Lumipas ang mga buwan nang tayo’y magkalinawan
Na ako na pala talaga at hindi sya
Sabi nila dapat akong matuwa!
Pero bakit ganun? Di ako makaramdam ng saya?

Ngayon maaaring totoo na ang iyong nararamdaman
Pero ngayon sarili ko’y di ko na maitindihan.
Minsan gusto kita, minsan gusto ko nang bumitaw.
Natatakot ako na baka dumating ang araw
Ang araw na bumalik sya pati na din ang yong nararamdaman.
Kung sakali mang ito’y maganap, makakaya ko bang bitawan ka?

Makakaya ko bang bitawan ka at hayaan kayong maging masaya?
Makakaya ko bang makita kang masaya sa piling ng iba?
Lalo na at di na ako ang sa ‘yo’y nagpapaligaya?

Kung ako ay iyong iiwan para sa kanya,
Magiging masaya nalang ako para sa inyong dalawa
Pero sana maisip mo naman na,
Paano na ako pag nawala ka?

Kung sakaling mangyari man ang lahat ng bagay na ito
Ito lang ang bagay na hihilingin ko
Kahit sa sandaling oras, pwede bang ako naman ang piliin mo? Na ako naman ang mahalin mo?
Ako naman ang unahin mo!
Dahil pagod na akong maging pangalawa sa puso mo.

Pagod na ‘kong maging pangalawa sa puso mo.
Pagod na ‘kong maging laruan mo!
Pagod na ‘kong maging alipin mo!
Pagod na ‘kong manghingi ng atensyon mo!
Pagod na ‘kong manlimos ng pagmamahal mula sa ‘yo!
Pagod na ‘kong magbakasakali na ako na ang pipiliin mo
Lalo na at ako na ang mahal mo ngayon.

Pero sabi nga nila, pag mahal mo ang isang tao.
Kahit masaktan ka man sa desisyon nya basta sasaya s’ya ay iitindihin mo.
Pero hanggang kailan ako maghihintay?
Sa bagay na walang kasiguraduhan?

Kaya sa pagtatapos ng araw na ito ako ay muling nagtatanong sa ‘yo,
Hanggang kailan?
Hanggang kailan ako aasa?
Aasa na babalik ka at sasabihing ako na ang iyong sinisinta?
Ng sa gayon ay ako’y makapaghanda
Ng sa gayon ay aking muling pagisipan
Kung ako ba ay kakapit pa?
O bibitaw na sa ‘yo sinta?


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments