Hindi Ako Mapapagod Magmahal

by Kristine Cunanan | shared on He Said, She Said

May mga bagay na mahirap ipaliwanag.

‘Yun bang bigla na lang may darating sa buhay mo ng hindi inaasahan. Yung pagkakita mo sa kanya bigla na lang bibilis yung tibok ng dibdib mo. Yung habang lumalapit siya sa ‘yo parang nag-i-slow-mo yung paligid. Yun bang titigan ka pa lang niya para ka nang malulusaw.

Ang sarap sa pakiramdam noh? Lalo na kung bawat salita na lumalabas sa bibig niya eh tumatagos talaga sa puso mo. ‘Yun bang pagkatapos mong masaktan parang nabuo ka ulit dahil sa mga salitang binibitawan niya sa ‘yo at sa mga bagay na ginagawa niya sa ‘yo.

Yung tipong hawakan ka pa lang niya alam mo ng secure ka. Yung siya yung dahilan ng mga ngiti mo sa buong araw, simula pagkagising mo hanggang sa pagtulog mo. Ang saya, ang sarap sa pakiramdam.

Pero mapaglaro talaga yung tadhana di ba? Gaya nga ng sinabi ko sa umpisa, may mga bagay na mahirap ipaliwanag. Yung tipong maayos ang lahat pero bigla na lang tatamlay. Unti-unting lumalamig. Yung saya nagiging lungkot. Yung mga titig niyang may gustong ipahiwatig sa ‘yo hanggang sa dumating yung araw na kinatatakutan mo. Yung bumitaw na s’ya.

Kahit gusto mo pang lumaban di mo na magawa dahil mas mahalaga sa ‘yo kung saan siya mas magiging masaya. Kesa naman ipilit mo pero wala naman na talaga.

Pero kahit sa sandaling panahon na naging parte siya ng buhay ko. Naging masaya ako. Binuo niya ako ulit, marami akong natutunan at naramdaman kong mahalaga ako. May mga bagay lang talagang nangyayari ng hindi inaasahan.

Oo nagalit ako, nagalit ako kasi maraming tanong ang naiwan. Ang daming paliwanag na hindi ko naunawaan. Nagalit ako kasi naniwala ako pero isa lang naman pala ang dahilan, may mahal ka ng iba.

Pero ayokong magalit ng matagal, gusto ko pa ring ituloy yung buhay ko ng wala ng galit na nararamdaman. Unti-unti ko nalang tinanggap, unti unting naghilom yung sugat.

Oo maraming tanong. Oo nakakapanghinayang pero naniniwala pa rin akong may dahilan kaya kami pinagtagpo at may dahilan kung bakit siya naging parte ng buhay ko.

Hindi ako mapapagod magmahal, parte man dun yung masaktan. Ang importante parin yung mga panahong naging masaya ka.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments