Bakit Hanggang Screen Lang?

by Bianca Mabbayad | shared on He Said, She Said

Ikaw at ako.
Ikaw at ako ba nagsimula sa tuksuhan ng iba,
ipinagpatuloy nating dalawa.
Saan at paano tayo nag simula?
Saan at paano nagumpisa ang ikaw at ako?
Naalala ko na, sa screen.
Sa screen kung saan tayo nagumpisa.
Sa screen kung saan umikot ang ating istorya.
Oras-oras, minu-minuto ikaw ang hanap,
sa bawat pag bukas ko ng screen na ‘to
pangalan mo ang parating hanap ko.
Kung may chat ka ba?
Kung may text ka ba?
O kung di ko nasagot tawag mo.
Sa loob ng screen kung saan nakabuo tayo
ng tinatawag na ‘friendship’ hanggang sa lumevel up
at tinawag na ‘relationship’
Sa loob ng screen kung saan araw-araw bumubuo tayo ng eksena.
Sa loob ng screen kung saan naging komportable tayo.
Nakuntento sa lahat ng ganap, sa loob ng screen.
Sa loob ng screen na nagdudugtong sa mga puso nating sabik.
Sa loob ng screen kung saan natin inukit ang tibok ng mga puso.
Ngunit mahal bakit habang nagtatagal itong pag-iibigan natin
ay hindi na ako nakukuntento sa uri koneksyon meron tayo.
Koneksyon na kung saan tanging mga mata lang natin ang nakakasaksi.
Koneksyon kung saan mga tainga lang natin ang nakakarinig.
Sa loob ng screen kung saan doon mo lang ako kinakausap.
Sa screen na ‘to lang natin naidadaan ang pagmamahalan.
Mahal daig pa natin LDR sa layo ng puwang natin.
Ito ba ang epekto ng modernisasyon na
ang tanging kinakapitan lang ay signal at internet connection?
Mahal sinanay mo ko sa gantong sitwasyon.
Sitwasyon na sa tingin ko tayo lang ang nakararanas.
Pero alam mo ang masakit mahal?
Umasa ako, umasa ako na maiiba ang setting
at tema ng ating pelikula,
hindi puro screen lang ang pokus, umasa ako mahal.
Sayang hindi tayo hindi tayo nabigyan
ng pagkakataon na maiba ang takbo ng istoryang ito.
Sayang magbubukas sana tayo ng panibagong eksena ngunit,
Huli na tayo mahal, nahuli tayo,
Dahil kasabay ng pagbagsak ng screen na ‘to
ay ang pagkawasak ng tayo.
Kasabay ng pag shutdown ng screen
ay ang paglaho ng iyong nararamdaman sa akin.
Sayang, sayang mahal ang nasayang na sandali.
Sayang mahal ang nawalang panahon.
Kung mas maaga lang natin naisipan baguhin
itong daloy ng istorya sana tayo pa rin.
Sana ikaw at ako ay masaya pa rin.
Sana mala-Jadine na ang ating tambalan, ngunit nahuli tayo.
Wala ng tayo kasi wala ng yung screen
na nag-uunay sa ‘ting dalawa.
Yung screen na naging tulay ng ating pag-iibigan.
Yung screen kung saan ang ikaw at ako ay napag-isa.
Yung screen na pilit ginagamit kahit warak na.
Yung screen na pilit binubuksan kahit drained na.
Mahal hanggang ngayon pilit ko pa rin itong inaayos
kahit suko ka na.
Kahit matagal mo ng ibinasura yung screen.
Mahal suko na ‘ko.
Hindi dahil ayoko na, kundi dahil umayaw ka.
Bumitaw ka mahal kasabay ng pag-shutdown ng screen na ‘to.
Pero mahal, kahit sa huling pagkakataon maaari ko bang malaman.

Bakit hanggang screen lang?


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments