Hinihintay ang ‘yong pagbalik

by MM | shared on He Said, She Said |

Naaalala mo pa ba lahat ng pangako mo?

Yung pangako mong hindi mo ko iiwan katulad ng pag-iwan sa ‘kin ng mga EX ko. Yung pangako mong lagi ka lang nandiyan tuwing kailangan kita. Yung pangako mong habang buhay magkaibigan tayo. Yung pangako mong ipagtatanggol mo ko kahit na kanino. Yung pangako mong aalagaan mo ko kahit hindi naman kailangan. At yung pangako mong ikaw yung magpapatahan sa ‘kin tuwing iiyak ako at nangako ka rin na kahit kailan hindi ikaw ang magiging dahilan ng mga luhang papatak sa mata ko.

Kaso hindi mo tinupad yung mga pangako mo eh. Tignan mo naiyak ako ngayon dahil sa ‘yo kasi iniwan mo na ‘ko.

Kailangan kita ngayon pero wala ka na kasi iniwan mo na ‘ko. Wala nang nagtatanggol sa ‘kin tuwing may nang-aaway sa ‘kin. Nung may sakit ako ikaw yung hinahanap ko at hinihintay kitang dumating pero hindi ka dumating.

lam mo bang umiyak ako noon ng magdamag kasi iniwan mo na ‘ko. Sinanay mo kasi ako na lagi kang andyan sa tabi ko tuwing kailangan kita eh at kahit na hindi kita kailangan nandiyan ka pa rin.

Alam mo ba namimiss ko na yung mga ka-sweet-an mo at pati na rin yung ka-cheesy-han mo kasi di ba yun lang ang nagpapatanggal sa kalungkutan ko. Alam mo naman na ikaw lang ang gamot sa kalungkutan ko. At ikaw lang naman ang taong nagtiya-tiyaga sa pagiging moody ko. Tsaka alam mo naman na ikaw lang pinaglalabasan ko ng mga sama ng loob ko pati na rin lahat ng secrets ko alam mo. Para na nga kitang diary kasi sa ‘yo ko sinasabi lahat ng nangyayari sa ‘kin sa buong araw.

At ngayon wala ka na, wala na rin akong mapag kwentuhan kasi sa loob ng 2 years and 7 months ikaw lang yung taong naging sandalan ko, yung taong nakakakilala sa tunay na ako. At dahil wala ka na nga kasi iniwan mo ‘ko babalik na naman ako sa dating ako, yung dating tahimik at nagtatago ng secrets kahit na ang sabi mo sa ‘kin bago ka mawala na makipag kaibigan naman ako sa iba pero sorry ka, ikaw lang ang gusto kong maging human diary ko.

Kasi umaasa pa rin ako na babalik ka sa ‘kin kasi hindi ka naman nawala na as in patay na, kaya alam ko may chance pa na bumalik ka pa sa ‘kin at maging kaibigan ko ulit.

Kahit na sabihan ako ng ibang tao na ang weird ko dahil sobrang tahimik ko at mysterious wala akong paki basta hihintayin kita kahit iniwan mo na ako.

Tanga kasi ako pagdating sa ‘yo kaya umaasa kang pagbalik mo nag-hihintay pa rin sa ‘yo ang dyosa mong Bestfriend.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments