Mahal mo pa ba ako?

by BP | shared on He Said, She Said |

Message that I never sent to him because his account is still deactivated.

Isang buwan na ang nakalipas na hindi tayo ok at heto ako sobrang nasasaktan.

Umaasa ako na maaayos natin ‘to. Na maaayos natin ung tayo. At mahigit isang linggo mo na akong di china-chat. Di mo lang makamusta. Heto ako nagluluksa sa nangyayari sa atin. Dahil sa sobrang sakit na nakipagbreak ako.

Oo, nakipagbreak ako pero bakit? Bakit mo ako hinayaan na bitawan na lang at tapusin ang lahat? Pero nakipag-ayos ako. Humingi ako ng second chance. Nagkaroon pa tayo ng second chance na akala ko magiging maayos uli tayo. Pero sa second chance na ito wala na akong naramdamang pagmamahal mula sayo.

Ikaw lang yung lalaking napapasaya ako in the most simplest way pero ikaw din pala ang magiging dahilan ng sobrang pagkalungkot ko. Masakit, alam mo ba yun? Ang sakit makita na online ka’t active ka pero hindi mo ‘ko magawang kumustahin. Di mo ‘ko magawang i-chat.

Ang sakit at ang hirap tanggapin na parang wala na tayong dalawa. Parang wala ka ng pakialam sa ‘kin. Na-seen pa nga ako di ba? Ang sakit, grabe. Then, na-deactivate pa account mo. Iniiwasan mo talaga ako? Ayaw mo ‘kong kausapin or what?

Salamat. Dahil sa ‘yo naramdaman ko na sobrang importante ako. Salamat kasi dahil sa ‘yo naging matapang ako. Namimiss na kita. Namimiss ko na yung lalaking matampuhin, seloso, lalaking gagawin ang lahat makapag-effort lang at lalaking ite-text ako nang “Ingat ka palagi;” “Kumain ka bago pumasok ah. ‘Wag papalipas ng gutom;” “Mahal na Mahal kita;  Matulog ka na —  hayaan mo bukas Mahal na Mahal pa rin kita.” at “‘Pag may problema ka, kneel down and pray.”

Mag-iingat ka palagi. Salamat sa pagmamahal.

Mahal na Mahal kita, pero di ko na maramdaman ang pagmamahal mo. Mahal na Mahal kita pero parang ako na lang yung nagmamahal. Mahal na Mahal kita kaya umaasa akong maaayos din ‘to.

Pero umaasa pa ba ako sa bagay na di na mangyayari? Titigil na ba ako? Hahayaan na ba talaga kita? Bibitawan na ba kita?

Yun na ba talaga ang dapat kong gawin? Kahit gustong gusto kong ayusin, eh kung ayaw mo na, may magagawa pa ba ako? May aasahan pa ba ako? Maaayos pa ba ‘to?

MAHAL MO PA BA AKO?

Sabihin mo naman hindi yung ganito. Sobra na akong nahihirapan. Di ko alam ang gagawin ko.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments