Ihip ng Hangin

by Thine Santillan | shared on He Said, She Said

Unti-unting magbabago ang ihip ng hangin.
Ang kagustuhang makasama ka sa araw-araw
ay madalang pa sa buwang malalim.

Maiisip ka sa pagkakataong
meron pa lang ikaw sa paligid.
Ang dating galak sa tuwing ika’y kausap,
ngayo’y napalitan ng bagot at lungkot na hindi mawari.

Ang mga pangarap ay mananatili na lamang
sa tamis ng kahapong pinanghawakan
ng dalawang pusong umiibig.
Agam-agam ay nanahan sa puso’t isip.

Tama na, itigil na, tapusin na.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments