Ikaw lang ang Mamahalin ko

Mamahalin
Source: pexels.com

HeSaidSheSaidPH.com |

Hello, hon. Isang magandang araw sa iyo at sa lahat ng taong makakabasa nito. Gusto ko lang sana i-share sa buong mundo.

Hindi ko man magawa sa ngayon dahil komplikado. Sa ganitong paraan ko na lamang ipaparating sa’yo itong pagmamahal ko.

Ilang taon na din pala kita kilala. At tandang tanda ko pa. Tinuro ka pa nung girlfriend ko noon. Sabi niya, “ang ganda niya noh? At para bang binibiro-biro niya ako sa’yo. Pero ‘di ko lang siya pinansin noon kahit na alam ko naman na oo.

Lumipas’ yung maraming taon. Hanggang sa nagkaroon tayo ng komunikasyon. Wala naman talagang ibig sabihin ‘yon. Pero alam kong mahalaga ka sakin kahit na hindi ko pa alam ang rason. At iyon na nga.

Tumagal pa ng tumagal at lumalim pa ng lumalim ang ating samahan. Mula sa isang mabuting magkaibigan. Hanggang sa tayo ngayon ay nagmamahalan. Hindi natin lahat’ to inaasahan. Ni hindi pinagplanuhan.

Ngunit sa tingin ko, ito’y biyaya ng kalangitan. Masyado man komplikado itong ating kalagayan. Ayos lang! Wala naman tayong nilalabag at tinatapakan. Marami mang tao ang manghusga mula sa ating kapaligiran, wala naman makakapahadlang sa ating pag-iibigan.

Wag kang mag-alala. Saksi lahat ng mga taong makababasa nito, na ikaw lang ang mamahalin ko. Hindi magtataksil at hindi ka ipagpapapalit kahit kanino. Dahil sigurado na ako, na ikaw na ang gusto ko. Dumaan man ang maraming bagyo. Magka-quarantine man o lockdown dahil sa pesteng virus at mikrobyo. Gagawin ko ang lahat para magkasama na tayo.

Mahal na mahal kita. Mag-ingat ka palagi. Magkakasama din tayo.

-Lemuel

(Visited 3,361 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments