Kailan ba puwede?

by SA | shared on He Said, She Said |

Ano ba tayo?

Mahal kita, mahal mo ako , pero bakit walang tayo? Bakit hindi pwedeng maging tayo?

Nasasaktan ako kapag wala kang panahon sa ‘kin pero hindi ko masabi na nasasaktan ako dahil wala naman akong karapatan na masaktan dahil hindi naman tayo.

Tuwing magkausap tayo, napakasaya ng puso ko, pero bakit hanggang dun lang? Hindi ba puwede na maging tayo? Hindi ba puwede na magkaroon ng ikaw at ako?

Nagseselos ako sa mga babaeng nakapaligid sa ‘yo, pero hindi ko masabi sa ‘yo dahil wala akong karapatan maramdaman iyon dahil walang tayo.

Kailan ba puwede ang salitang ikaw at ako?

Kailan ba puwede na ipagsigawan sa mundo na tayo? Nahihirapan na kasi ang puso ko.

Mahal kita (8 Letters) at ayoko dumating ang araw na itong pagmamahal ko sa ‘yo ay bigla na lang mawala dahil napagod ng maghintay na maging tayo.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

 

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments