Paglaho

by Mary Oasis Catral | shared on He Said, She Said |

Di ko inakala
na tayong dalaway magtutugma,
Pero mas di ko inakala
na ikaw sa akin ay mawawala,
mga pangako mong noon ay kay saya,
ngayon bakit nag laho na?
Alam ko namang tayo’y magkakalayo at ngayon nga’y nagkalayo na,
Pero wag mag alala dahil kahit pagod na
ako pa rin ay umaasa
na ang iyong mga pangako’y nakaguhit na
sa iyong puso at kaluluwa,
na sanay di ito mabura ng kahit anong bagyo na puwedeng sumagasa,
Huwag kang mag-alala hinding-hindi ako mapapagod
sa pagpapa-alala kung gaano ka kahalaga kahit nagmumukha ng tanga,
Hindi mapapagod ang aking puso,
sa pag papa-alala sa ating mga pangako,
na iyo nang sinusuko.
Mahal sana nama-y magising ka na,
dahil ang sakit sakit na
ng bawat araw at gabi na hindi kita kasama
o kaya nama’y aminin na
na wala na nga akong pag-asa
para kahit papaano,
kahiy ayaw sumuko
ng aking puso
ay ipipilit ko
na kahit kailan wala na talagang tayo.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments