Kailan?

by Elena | shared on He Said, She Said |

Minsan naiisip mo hanggang kailan
Hanggang kailan ka aasa sa mga bagay na walang kasigaraduhan
Hanggang kailan ka magiging isang diksyunaryo
na lahat eh binibigyan mo ng kahulugan
Hanggang kailan ka masasaktan
Hanggang kailan ka mananatili sa isipan
Hanggang kailan ka patuloy na magmamahal sa taong mahal ka rin ba?
Hanggang kailan ka magtatago ng nararamdaman mo para sa kanya.
Hanggang kailan ka mag aantay?
KAILAN salitang mahirap isipin.
Salitang mahirap hanapan ng kasagutan.
Ngunit iyong tandaan, kahit KAILAN pa yan
handa akong tanggapin lahat ng kasagutan.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments