Kasama kang naghintay

by Jene Vave | shared on He Said, She Said |

Sa gabing punong-puno ng kasiyahan
Kwentohan na may kasamang asaran
Magkasamang pinagmasdan ang mga bituin sa langit
Pati mga ulap ay aming pinagtripan
Na may kasamang tawanan

Sa aking paghihintay ng aking masasakayan
Hindi ko alintana ang pagod at antok
dahil ikaw ay aking kasama
Na kahit yun man ang una natin magkasama
Binigyan mo ako ng mga masasayang alaala
na hinding-hindi ko makakalimutan
salamat sa gabing ika’y kasamang naghintay


Feel free to send in your poems (English or Tagalog) via message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments