Kasinungalingan

by Karl Balino | shared on He Said, She Said |

Ang pinaka sinungaling na salitang narinig ko ay ang “Mahal kita”.
Ang tanga ko dahil naniwala ako eh alam ko namang sinungaling ka.

Hindi kanaman pulitiko pero napako lahat ng pangako mo.
Hindi din ikaw si Pinocchio pero napaka sinungaling mo.

Hindi ako trumpo para paikutin mo lang.
Hindi ako reserba na gagamitin mo pag kailangan mo lang.

Hindi din ako barya na kailangan mo lang pag kulang ka.
At lalong hindi ikaw si john michael nanJOHN lang pag MICHAELangan ka.

Gusto ko ng pilasin ang papel mo sa buhay ko.
Gusto ko naring burahin ang mga marka na iniwan mo sa puso ko.

Sasanayin ko na mag lakad ng magisa.
Sasanayin ko narin ang sarili ng kumain ng magisa sa lamesa.

Magiging malamig na ang gabi ko kasi wala kana.
Ngunit ‘wag kang mag alala
Dahil mauuntog din ako at makakalimutan din kita.

Eto ang huling talata na maririnig mo mula sa puso ko.
At manghihinayang ka dahil sinayang mo ang ang ibig ko.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments