Kaskasero ng Feelings

by MariaCara | shared on He Said, She Said

Isa, dalawa, tatlo o higit pa,
Ilang beses na ba kitang pinatawad?
Ilang beses na ba kita muling tinanggap?
At ilang beses na ba ako naging tanga sa iyong harap?

Kailan ba ko madadala?
Kailan ba ko mapapagod na mahalin ka?
At kailan pa naging tama ang tama,
Sa paningin ng isang taong nagmamahal ng sobra?

Sa kabila ng lahat, ika’y patuloy pa ring minamahal.
At sa kabila mg lahat, ika’y di kayang kalimutan,
Nitong pusong manhid na,
At mga matang lagi ng luhaan.

Habang pinagmamasdan ka sa di kalayuan,
Biglang pumasok ang mga katanungan sa aking isipan,
4456Kung mali nga bang maging masaya sa piling ng iba?
O tama bang makita kang masaya sa piling niya?

Sa sobrang daming katanungan,
Wala ni isa ang nagkaroon ng kasagutan.
Mula sa aking isipan,
Habang inaalala ang ating nakaraan.

Masakit sa masakit
Ngunit hindi mo ako masisisi,
Kung tatanungin ko ang sarili,
Kung bakit sa dinami-daming tao sa paligid,
Ikaw ang aking inibig.

Ikaw yung tipo ng tao na madaling husgahan,
Dahil sa panlabas na kaanyuan.
Ngunit ikaw yung tipo ng tao na mamahalin ng lahat,
Kapag ikaw na’y nakikilala ng lubusan.

Ngunit Mahal, ako na’y magpapaalam.
Ito na ang huling tula,
Na maglalaman ng aking nararamdaman.
At ito na rin ang huling gabi na ako’y matutulog ng luhaan.

Mahal, patawad kung ako’y tuluyan ng bibitaw,
Patawad kung ako’y titigil ng umasa.
Dahil Mahal, ako’y pagod na, at gusto ng magpahinga.
Ngunit lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita.

Oo tama ang iyong nabasa,
Mahal pa rin kita sa kabila ng lahat,
Ngunit Mahal, pasensya ka na, ika’y wala ng babalikan.
Dahil ako’y nagising na, sa isang katangahang
mga eksperto lamang ang nakakagawa.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments