Kuwento

by Aedrian Daquis | via He Said She Said |

Marami na akong nasulat na tula. Subalit wala pang tungkol sa ‘yo.
Kaya’t hayaan mong ikwento ko sayo ang istorya
ng ikaw na perpekto sa buhay ng simpleng tulad ko.

Gagawin ko lang na simple to at positibo
para hindi masyadong magulo at kumplikado.
Ito ang istoryang pinangarap kong mabuo.
Ang istoryang naging sentro ng aking mundo.
At ang istorya ng salitang TAYO.

Magsisumula ako gaya ng kung paano
ko sinisimulan ang aking mga akda.
Gaya ng kung paano ko nabubuo ang kombinasyon ng mga salita.
At gaya ng isang inspiradong makata.

Inday para sayo to😍

Hindi ko alam kung ano ang tamang letra o salita
na kayang maglarawan sa ngalan mo mahal.
Ngalang naging perpekto sa lahat ng bagay.
Ngalang ikaw lang ang may taglay.
Ngalang pinangarap sa habang buhay.
At ngalang hindi ko kayang iwan.

Dahil ikaw yung tipong masyadong maganda.
Tipong ngiti palang mapatutulala ka na.
Tipong sobrang madrama.
Tipong laging masaya.
At tipong hindi nasuko lalo na kung para sa mga mahal niya.

Hindi tulad ko.

Dahil ako yung tipong masyadong alam mo na.
Tipong ngiti palang matatakot ka.
Tipong ang kadramahan ay sobra-sobra.
Tipong minsan masaya.
At tipong madaling sumuko kapag nandyan na ang problema.

Ganyan kalaki ang ating pinagkaiba.
Mabait ka ako’y mala mala.
Maganda ka ako’y alam mo na.
At perpekto ka ako’y pwede na.

Pero sa kabila ng lahat ng ito.
Ako pa rin ang pinili mo.
Na dati’y pinagtaka ko.
Nakakatawang isipin ang lahat ng bagay na pinagkaiba nating dalawa.
Na parang malabong ang ikaw at ako ay maging isa.
Pero heto malayo na tayo.
Kaya sobrang saya ko dahil nandito ka pa rin para samahan ako.
Kaya’t nalinawan na ako.
Sa lahat ng ito.
Na kailangan kong paniwalaan ang sarili ko para sa ‘yo.

Dahil ikaw ang nagturo nito.
Ikaw ang nagbigay ng lakas ng loob ko.
Ikaw ang nagiisang matchy ko.
Ikaw lang ang Inday ko.
Ikaw lang ang iisang idol
panda
pizza
ganda
sis
at girl dito sa puso ko.

Naging masyado mang madrama to para sa ‘yo.
Pero pangako di na ako muli pang susuko.
Dahil alam ko na.
Alam ko ng ikaw pala.
Alam ko ng ganito pala kasaya at kasarap sa pakiramdam
na maging simpleng lalaki sa palasyo ng perpektong prinsesang tulad mo.

Kaya’t hayaan mong ulitin ko.
Ang paglalarawan ko sa tipo ng ikaw at ako.
Upang maitama ng kombinasyon ng mga salitang ito.
Ang dapat at nararapat para sa tulad ko o tulad mo, hindi!
Tulad ng salitang TAYO.

Dahil ako,
Ako yung tipong masayang kasama.
Tipong ngiti palang mahahawa ka.
Tipong sobrang drama dahil sayo’y nagaalala
Tipong nangangakong ikaw talaga
At tipong madaling sumuko pero hindi na para sa mahal niya.

At ikaw,
Ikaw yung tipong mala Liza sa ganda.
Tipong hindi nalang tanggapin, pa humble pa.
Tipong kabuua’y mala prinsesa
Tipong hindi tumataba kahit kain ng kain na.
At tipong sobrang bait, aminin mo na.

Hahahahahaha dahil ikaw ay ikaw at wala ng iba.
Dahil FOREVER na,
Ang mababasa mo sa end ng kuwento ng tayo.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments

SHARE
Previous articleBatid Mo Sana
Next articlePaano Mo Nasabi