LDR: Lost in Distance Relationship

by Stephanie Gail Bagares | shared on He Said, She Said |

Hindi lingid sa ating kaalaman
Ang LDR ay nakakasabik pakinggan
Ito ay isang uri ng relasyon
Na maraming matatahak na pagkakataon

Ang magmahal sa maling panahon ngunit sa tamang tao
O ang magmahal sa maling tao ngunit sa tamang panahon
Mga katanungan na makatotohanan
Ang sagot ay walang katiyakan

Tiwala ang unang sangkap
Mahalin mo siya at huwag kang magpapanggap
Kung totoo man o hindi ang kanyang sinasambit
Paniwalaan mo ito ng paulit ulit

Sa ganitong klaseng relasyon
May loyalista na sayo lang ang atensyon
At may oportunista na hindi mo alam ang layon
Minsan magpapatulong kay Bes kung paano umahon

Sa pagitan ng dalawang daan at anim na kilometro
Narito ako nakatingin sa kawalan
Nagiisip kung paano pagtatagpuin ang dalawang pusong pinaglayo

Ang relasyon na punong puno ng pag asa
Bukas kaya, tayo’y magkikita na?
Ang milya-milyang distansya’y magiging kilometro nalang ba?
Sa pagpikit ko, sana kinabukasan na

Habang tumatagal kasi ramdam ko ang pag-iisa
Distansya natin tila lumalayo pa
Sa higpit ng kapit ko sayo
Hindi ko naramdaman ang unti-unting pagbitaw mo

Yung pangako mong pinako mo na
Mga paalala mong naging alaala
Ang nagbabagang pagibig mo sa akin
Naging kasing lamig na ng hangin

Kaya kong tiisin ang lamig ng Baguio
Ngunit di ko kayang tiisin ang panlalamig mo
Sinabi mo sana sa akin kung nagyeyelo na ba ang Taguig
Na bakit pati pagibig mo sa akin nanlalamig na din

Sa mga masasayang pangarap na binuo nating dalawa
Nagising ako sa realidad magisa ko nalang palang tatahakin
Kung dati ikaw ang nagiisang mahal
Ngayon naging isang dakilang kupal

Sa paglisan mo sa buhay ko
Hindi lingid sa kaalaman mong unti-unting gumuho ang aking mundo
Na sana hindi mo nalang pala ako inumpisahan
Sana d mo nalang ako pinaandaran ng mabbulaklak mong salita,
sana di mo ko pinaniwala sa FOREVER

Pero sa panahong ito di na uso ang magpakabaliw ng parang si Sisa
Itigil na din pagiging martyr ng tulad ng Gomburza
Sa panaginip na maging Romeo at Juliet ang ating piyesa,
sa panaginip ko nalang ito iaasa.

Sabi nila pag ikaw ang iniwan
Ikaw ang talo pero sa pagkakataong ito
Hindi ako natalo sapagkat
Nahanap ko ang sarili ko

Nahanap ko ang sarili kong nawala noong nagmahal ako
Iniwan ang dating ako ng para sa ‘yo
Ng iwan mo ‘ko
Nahanap ko ang bagong bersyon ng buhay ko

Ngunit sana’y mahal ‘wag kang manghinayang
Ng dahil sa kakulangan mo
Ang babaeng minahal ka ng sobra, ang babaeng sinaktan mo,
ang babaeng iniwan mo sa ere
Matutong ngumiti, at maging masaya ng wala sa piling mo


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments

SHARE
Previous articleYou chose her
Next articleWhy?