Libro

ni Kiana Concepcion |

Isang librong nakaakit sa iyong mga mata
balot nito’y napakaganda
namimilit buksan
at basahin na

Nang ito’y simulan,
lubos na natuwa sa unahan
ramdam ang tamis na parang santan
na alam kong matagal mo nang inaasam

Ngunit bandang gitna’y iyong itinigil
para bang mayroong bagay na pumipigil
ang iyong mga halik na isiniil
ngayo’y sakit na, iyon na ba ang singil?

Ang ating istoryang puno ng kulay
unti unti nang humuhulas
kwentong punong puno ng buhay
unti unti nang naglalagas lagas

Ang katulad ng iyong sinimulan
ay huwag mo nang uulitin
huwag mo nang buksan
kung hindi mo naman kayang tapusin.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments

SHARE
Previous articleTulay
Next articleEl Camino