Lihim na Pagtingin

ni R.B. |

May isang binibini na pumukaw ng aking interes, siya ay bukod tanging talaga at para sa akin ay wala syang kapares, kung sino sya sa labas ay ganoon din sya loob kumilos, napaka sipag nya, maaalalahanin at ang kabaitan nya ay lubos.

Kapag aking syang nasisilayan ay ako’y napapangiti na lang, tila ang aking lumbay ay kusang nawawala na lang, hindi ko maipaliwanag ang tuwang aking nadarama, para bang ang aking damdamin ay napapalapit na sa kanyang talaga.

Dalagang aking nakilala’y sadyang hindi ako makapaniwala, kung dati ay para lamang syang walang halaga, bakit ngayo’y lagi ko na syang inaalala, pagbabalewala ko sa kanya nooy napalitan na ng pag aalala.

Alam kong di mo pansin, na ako sa ‘yo ay may lihim na pagtingin, pagkat dyan sa puso mo ay meron nang nag-aangkin, kitay aking hihintayin parin, hanggang dumating ang pagkakataong, ikaw at ako ay tuluyan nang magkakapiling, di ako susukong manalangin ❤

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments