Pakiusap, Mahal

ni Jasmine Consignado |

Parang pulubi na nanlilimos ng oras at pagmamahal mo.

Kahit nagmumukha ng tanga sa harap ng ibang tao mapansin mo lang ako. Na may isang tao na minamahal ka pa rin kahit di mo naman deserve ang lahat ng pagmamahal na ito.

Oo, may isang ako, na kahit nasasaktan na ng sobra gumagawa ng paraan baka sakaling maituloy pa natin ang ating kwento. Ang k’wento kung saan tayong dalawa ang bida, kung saan nagtatawanan at nagmamahal tayong dalawa.

Hindi lubos maisip kung bakit parang kay hirap mong kalimutan, hindi ko mawari kung anong meron ka na wala sa iba. Masyadong pinana ni kupido ang puso ko na hindi tumitigil na mahalin ang isang tulad mo — isang tulad mo na iniwan ako. Na parang wala tayong pinagsamahan para iwasan na lang ako.

Oo, nagpapakatanga pa rin ako sa ‘yo, mahal pa rin kita kahit nakalipas na ang salitang TAYO.

Pero sa aking paggising sa katotohanan na hindi ka na babalik sa buhay ko. Pakiusap, mahal, huwag mo na talagang balakin pang bumalik sa panahong kaya ko ng maging masaya kahit hindi ikaw ang aking kasama.

Pakiusap, panindigan mo na ang pang iiwan mo. Huwag ka ng bumalik pa mahal ko.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments