Mahal, Ikaw Pa Rin Pala

Ikaw Pa Rin Pala

ni Ronalyn Mangundayao |

Napakasaya dahil ika’y nandito na
Sa buhay kong noo’y tila wala ng halaga
Pinunan mo ang lahat ng saya
Ayoko na ikaw ay mawala pa

Inaamin ko, ako ang unang bumitaw
Pero mahal, sana ipinaglaban mo din
ang puso na ikaw ang tanging sigaw
Ako’y nagkamali sa aking pagbitaw
Ngunit huli na pala ang lahat
dahil iba na ang nagmamay-ari
ng iyong pusong ligaw.

Nagmamakaawa na sana ako nalang ulit
Linya na sikat pero napakasakit
Hindi na maibabalik pa ang nakaraan na nasira na
Kaya kung nababasa mo ito mahal, ikaw parin pala.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments

SHARE
Previous articleYakap
Next articleEndless Love