Mahal Kita, Mahal Mo’y Iba

by Riezalyn Pagaduan | shared on He Said, She Said |

Bawat araw na nagdaan
Lalo kong nararamdaman
Ang aking pagmamahal
Na sayo nakalaan.

Bawat oras na ika’y kasama,
Aking ginugunita
Nangangarap at umaasa
Na muling makasama ka.

Pagmamahal ko sa ‘yo
Akin mang pigilan,
Di ko magawa
Sapagkat puso ang nagdikta.

Isip ma’y sawa na,
Maging puso ko’y pagod na.
Ngunit sa t’wing ika’y nakikita
Lahat ng ito’y balewala.

Kaligayahan mo ang mahalaga
Sa puso kong sawi na,
Basta alam kong masaya ka,
Lahat ng ito’y mapapawi na.

Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments