Mahal, Tandaan Mo

ni ShandriaHugutera |

Mahal tandaan mo,
Ang bawat araw na ikaw pa ang mahal ko.
Mahal tandaan mo,
Ang bawat luhang pumapatak sa mata ko.
Ang bawat hikbing nang gagaling sa bibig ko.
Ang mga panahong nag dadalamhati ang puso ko dahil sa pag kawala mo.
Ang mga panahong ikaw lang ang hinahanap at mahal ko.
Mahal tandaan at itatak mo sa puso mo iyan.
Dahil kapag dumating ang oras na okay na ako sa iyong pagkawala at pag iwan.
Lahat matatandaan mo.
Lahat maaalala mo.
Maaalala mo na may taong nagmahal sa ‘yo ng totoo,
Kahit na iniwan at niloko mo.
At sa mga oras na yun?
Masaya na sya at hinding hindi na kakailanganin ang presensya mo.
Mahal tandaan mo,
Darating ang panahon na mang hihinayang ka
Dahil sinaktan at iniwan mo ako.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments