Hanggang Larawan na Lang

ni Jasmine Consignado |

Sa isang relasyon na natapos na mga larawan na lang ang natitira,
Mga larawan kung saan masaya pa kayong dalawa,
magkasamang kumain sa labas, mga tawanan, kalokohan
at mga pangarap na binubuo ng sabay
na ngayon mga munting alaala na lang.

Parang larawan na unti unting kumukupas sa tagal ng panahon,
Parang isang bagay na lumuluma na
kapag may bago na isinasantabi na lang.
Pero ang mga alaala na nabuo hinding hindi mabubura.

Lahat ng mga larawan ng nakaraan
maaari mo pang balikan pero ang taong kasama mo sa larawan
di ka na mababalikan.
Mga pangarap na binuo ng sabay sa iba niya na sinasakatuparan.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments