Miss na kita

by Jhoan Calderon | shared on He Said, She Said |

Miss na kita.
Hinahanap-hanap ko yung mga tawa mo,
Na madali ko lang naririnig noon tuwing may nagbibiro.
Pero ngayon, halos kusutin ko na ang buong pagmumukha ko
Kahit kaunting ngiti man lang, wala akong Makita mula sa’yo.
Miss na kita.
Hinahanap-hanap ko yung kinang sa ‘yong mga mata
Tuwing makikita mo ang mga puno, mga ibon sa himpapawid
ang buwan at mga bituin sa langit
Miss na kita
Noon kapag nakikita kitang bahagyang yumuyugyog ang katawan
Alam ko na kaagad na tumatawa ka na naman
Tawa na para bang hindi na darating ang kinabukasan
Tawa na para bang wala kang kahit na anong pinapasan
Sa iyong kalooban
Pero ngayon kapag nakikita kitang bahagyang yumuyugyog ang katawan
Ako ay agad na binabalot ng kalungkutan
Dahil malamang umiiyak ka naman
Tama na ‘yan
Ginawa mo na atang libangan
Ang pagbuhos ng lahat ng ‘yong nararamdaman
Sa pamamagitan ng pag-iyak habang yakap-yakap ang unan
Sa tuwing ang paligid ay binabalot ng kadiliman
Tama na ‘yan
Masyado na akong nasasaktan
Sa tuwing nakikita kitang ganyan
Tama na ‘yan.
Tumayo ka na diyan.
Miss na kita.
Bumalik ka na
Parang awa mo na.
Bumalik ka na.
Miss na miss na kita.

-Isang mensahe para sa aking dating sarili. Sana bumalik ka na, miss na kita.


Feel free to send in your poems (English or Tagalog) via message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments