Nagmahal ka na ba talaga o takot kang masaktan?

takot masaktan

Nagmahal ka na ba talaga o takot kang masaktan?

Kaakibat ng pagiging isang tao na may puso’t damdamin ang masaktan. Ano bang klaseng tao ka kung ni minsan sa buhay mo ay di ka nasaktan di ba?

Ganun din kung ikaw ay magmamahal ng isa tao. Dapat handa ka ding masaktan. Dapat, kakayanin mo ang sakit na maaaring dala ng nagmamahal. Lalu pa’t sa dulo ay ikaw na lang pala ang maiiwang lumalaban para sa inyong relasyon.

Kailan ka naman dapat tumigil sa pagmamahal ng isang tao? Kailan ka susuko?

He Said: Sa tingin ko, ang pagmamahal ng isang tao ay nag-iiba ng uri o level bago ito tuluyang tumigil o tumuloy sa forever. Sa isang relasyon kasi, nagsisimula naman yan sa pagkakaroon ng pagtingin (o like) sa isa’t-isa hanggang ma-develop sa pagmamahal. Nagkakaroon ng discovery-part ang relasyon kung saan nakikilala mo nang husto ang ka-relasyon mo. Kasama na diyan ang pagkilala mo sa buo niyang pagkatao at katangian gaya halimbawa ng trustworthiness, patience, respect, faith at kung anu-anong ninais mo (at di gusto) sa isang ka-relasyon. Kung na-violate ang mga bagay na ito, doon ka na nagdadalawang isip, di ba? Kung mapag-uusapan pa ang mga bagay na di mapagkakaunawaan, good. Kapag hindi na, at di na talaga maaayos at lagi na lang nagkakasakitan, tama na. Lalu pa’t isa na lang sa inyo ang lumalaban para sa relasyon, itigil na lang. – Tito Homer

She Said: Hanggang kailan ka nga ba lalaban para sa pag-ibig? We are created differently. We have different levels of patience and tolerance to pain, so it depends. In my personal opinion, hangga’t kaya mo sige. Pero dapat tanungin mo din ang sarili mo. Una, kaya mo pa bang lumaban? Pangalawa, may ipinaglalaban ka pa ba? At Pangatlo, tama pa ba ang ipinaglalaban mo? Now, stop, breathe and look at your situation. Baka naman pride na lang yan. Remember it’s okay to give up, as long as you don’t give up on yourself . God loves you and can give you true happiness. Kung iniwan ka, siya ang nawalan at hindi ikaw. Stay happy. – Tita Jinky

TAKE AWAY: Tandaan mo na ang Diyos ay di kailan man susuko na mahalin ka. Siya ang tunay na lalaban para sa yo hanggang dulo. Sana, handa din ang puso mong tanggapin Siya. Usap din kayo ni Lord, ok?

Comments Go Here ▼

Comments