Sanhi at Bunga (Pandemya)

Pandemya

ni Chang Domingo |

Ako ay lumabas di ko maalala ang eksaktong oras
Medyo makulimlim,maulan, may konting init, madulas
Ang daan ay parang malabo itawid at takot akong maipit
Umiiwas sa init ngunit kung saan-saan kumakapit.

Nuon ay di mo ako nakikita ngunit di ako nawala
Sinundan kita, pinagmasdan, tinahak ang iyong daan
Inaantay na mapansin mo ako bawat galaw
Ngunit inantay ko pang mapansin mo ng ilang araw.

Andyan lang ako at hindi ako nawala
Kumapit ako sayo sapagkat akala ko ito ay tama
Ngunit nagiba ang iyong anyo at ako’y halos iyong isumpa
Huli na ang lahat bago mo ako tuluyang masira.

Andun lang ako sa tabi ngunit ako’y iyong natapik
Nanatili sa iyong mga kamay hanggang ika’y makauwi
Dumeretso ka sa kwarto di mo ako tinanggal
At nagising ka isang araw na humihingal.

Ikaw ay ngumingiti habang papalapit
Na tila ba haharapin mo ang bawat bukas ng may pananabik
Kung pwede lang umiwas ,kung pwede lang umilag
Kung maibabalik ang lakas, kung maayos lang ang nabasag.

Nabasag na pangarap, nanakaw na oras
Nahintong pagtitipon, natapos na relasyon
Araw ng Disyembre mundo ay nawalan ng kulay
Di ko lubos akalain ako ay makakawasak ng buhay.

Kung ako papapiliin ay ayaw ko sa iyo
Ngunit di ko alam kung saan ako dadapo
Hiling ko sana magingat ka lalo na iyong kalusugan
Pinapangako ko mamaya,bukas o makalawa ako ay lilisan.

(Visited 4,463 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments