Pahinga Ka Muna

pahinga ka muna

Pahinga ka muna, ‘wag mong kalilimutang dumungaw sa labas ng ‘yong bintana.

Masdan mo ang liwanag na dulot ng buwan at mga bituin, hindi ka nag-iisa.
Piliin mo sana ulit na maging masaya;
tahan na.
Abante lang, kahit gaano pa katagal ang paglalakbay.
Tuloy mo lang, kahit may kasabay na lumbay—
matamlay na alalay.

Pahinga ka muna, pero ‘wag kang titigil magpatuloy.
Pakalmahin ang pusong nagkukumaghoy—
tapos laban ulit. Abante. Hinga.

Puwedeng mapagod pero ‘wag kang bibitiw, ikaw na lang ang mayroon ka.
‘Wag sanang umabot sa puntong pati ikaw, sumuko na.

Paano ka na?

-s.a.s.m
Resident Poet

(Visited 3,352 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments