Kulang Ako

Kulang Ako

ni Likana

Sabi ko hindi na ako susulat ng kahit ano’ng tungkol sa’yo,
kasi sayang yung mga letra, salita, parirala, pangungusap –
pakiusap, awat na.

Pero ang hirap palang tanggihan nung utak ko.
Ikaw lang kasi ang simunong kilala nito,
kung aalisin kita, kulang ako.
Kaya ayun, umalis ka nga

kasi kulang ako.

Comments Go Here ▼

Comments