Nakakabinging Pagtikom ng Puso

by JielTaduran | shared on He Said, She Said |

Ayos lang kung makaligtaan mo
Makaligtaan mong kausapin ako
Wala kang maririnig
Wala kang malalamang hinanakit
Ayos lang kung manahimik ka
Manahimik ka sa mali mong ginawa
Wala kang maririnig
Wala kang malalamang hinanakit
Ayos lang kung pilit mong hindi alalahain
Hindi alalahain lahat ng salitang binitiwan mo sakin
Wala kang maririnig
Wala kang malalamang hinanakit
Ayos lang kung bawiin mo
Bawiin lahat ng pangakong sinabi mo
Wala kang maririnig
Wala kang malalamang hinanakit
Ayos lang kung sumuko ka
Sumuko ka sa relasyong “wala” naman tayong dalawa
Wala kang maririnig
Wala kang malalamang hinanakit
Iiyak ako ng tahimik
Sisiguraduhin kong ang mga luha ko’y walang imik
Hindi ko ipararamdam ang sakit
At magmimistulang ayos lang kahit pilit
Inuulit ko, sa maraming pagkakataon,
Wala kang maririnig
Wala kang malalamang hinanakit.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

(Visited 2 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments