Nang Mahulog Ako

by Joanna Marie Ebreo | shared on He Said, She Said

Kapalaran ba talaga na ikaw ay aking makilala?
At ng magkakilala, mga salitang nabigkas “kamusta ka na?”.
Hanggang sa nagkapalagayan ng loob.
Nag-usap at nagkita na tila ba kilala ang bawat isa.
Tumagal ang panahon.
Tila ba naging bula.
Bula nang maglaho kang bigla.

Alaala.
Alaala na lamang ang iyong iniwan,
At ito na lamang ang aking pinahahawakan.
Oh! kay bilis naman.

Nahulog.
Nahulog ako ng walang sumalo.
Yun bang ipinaramdam mo,
Kung gaano ako kahalaga sa ‘yo.
Pero pilit kung itinatanong,
Bakit hindi mo ako sinalo?
Sinaktan at pinaasa mo.
Sa pag-aakalang ikaw na at ako.
Pero kahit ganun,
Naging masaya naman ako.
Naging masaya sa mga alaala na iniwan mo.

At sa pagsulat ko ng tulang ito,
Isa lang naman ang nasa isip ko.
Sakit sa puso ko na iniwan mo.
Yung naririnig at nararanasan ko,
Bakit ba ako nasasaktan ng ganito?
Eh! Sa totoo lang, hindi naman naging tayo.
Pasensya na kayo.
Nagmahal lang naman ako.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments