#Open Letter: Mag-Ingat ka palagi

Open Letter

Mag ingat ka palagi. I’m sorry.

Alam kong masakit. Masakit lahat ng nangyari. May mga bagay bagay nalang talaga tayong pagsisisihan sa huli pero wala na tayong choice kundi harapin nalang yun para sa ikabubuti ng lahat.

Mag ingat ka palagi. Wala akong ibang hiniling kundi mapabuti ka. Kundi mapaayos ang buhay mo kahit ganito ung ginawa mo sakin. I have nothing against you, you were my great love. Ours will be the one I will remember the most.

Salamat sa lahat. Salamat sa pagmamahal, salamat sa lahat ng ala ala. Salamat sa sakit, ikaw yung pinakamalaking lesson ko sa buhay ko. Marami akong natutunan. Alam kong naging mabuti akong tao. Natuto, naging matured. Sobrang naging masaya ako sayo. At yun yung mga memories na panghahawakan ko nalang kung sakaling mapatawad ko na ung sakit na binigay mo sakin.

Mahal na mahal kita, sinungaling ako kung sasabihin kung hindi. Pero nasa process na ako para kalimutan lahat yun. Kailangan ko ng magmove on sa chapter na ‘to. Kailangan ko ng palayain yung sarili ko sayo. Ikaw yung pinakamahal ko, at ikaw din yung pinaka masakit.

I wish you well, I wish you happiness. Sana ibigay na sa’kin yung healing, para matutunan ko na ulit mag tiwala at maniwala. Tinanggal mo kasi sa’kin yun. Pero ganun talaga, hindi tayo matututo kung hindi tayo masasaktan.

Sana mahanap mo nanung totoong magpapasaya sayo. Sana maging maayos kana. Huli na to.

Mag ingat ka palagi James. Salamat sa lahat-lahat.

– Gen

(Visited 4,504 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments