Pagsisisi

ni Honey |

Nasaktan dahil sa maling pagpili
Akala ko ay tama, pero ito pala’y mali
Hindi sinasasadyang ikay isantabi
Sa pagaakalang totoo siya, yun pala’y hindi

Nagsisisi dahil ikaw ay ipinagpalit
Sa isang huwad na pag ibig
Nabighani sa kanyang mga sinambit
Mula sa kanyang mapagkunwaring bibig

Alam kong nagkamali ako ng sobra
Winasak ko ang iyong puso at tiwala
Na tunay kung umibig, tama ba?
Tahimik mong pag ibig naghihintay lang pala

Bakit hindi ko nadama?
Na may nadarama ka na pala,
hindi mo ako gusto, yun ang akala
kaya ibinaling na lang lahat sa kanya

Sana sinabi mo nalang ng maaga
Ng hindi na kita nasaktan pa
Pagsisisi ang aking nadarama
Patawad, ngunit nais kong bumalik ka.

Hindi para saktan ka
Ngunit para pasayahin ka
Ibabalik ko ang mga ngiti sayong mukha
At ipakikita sa iyo’ng, di na kita iiwan pa.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

(Visited 2 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments