Panahon

by AJ Lacap | shared on He Said, She Said |

Kahit saan, kahit ano.
Madalas kong sagot sa mga tanong mo.
Kung minsan, baka ika’y nalilito.
Huwag isiping ako’y nagbibiro.

Kahit saan tayo kumain.
Kahit ano ang pipiliin.
Hindi naman sila mahalaga.
Sapagkat sayo lang, masaya na.

Naaalala ko pa.
Noong una kang makita.
Nag-iba ang paligid.
Di ko alam kung bakit.

Lumipas ang mga panahon.
Unti-unting mong pinadilat ang puso
na binulag ng kahapon.
Kahit hanggang tanaw lang sayo.

Ang sinasabi ko noon, mula sa malayo
Ay malayong maging tayo.
Malinaw kasi noon na ang tayo’y malabo.
Kaya’t pinatay ko ang aking pagkagusto.

Ang mga panahon ay lumipas pa.
Umalingawngaw ang biro nila.
Pareho raw tayo ng nadarama.
Texts at chats mo ang nagkumpirma.

Ngunit lumilipas nga ang panahon.
Nawalan tayo ng komunikasyon.
Kasabay noon ay namatay ang pag-asa.
Nilukob ng luha ang gabi at umaga.

Blinock ka sa fb, binura ang numero.
Halos lunurin ako ng sipon at ubo.
Di na yata tatahan ang pusong binigo.
Tirik man ang araw, tila bumabagyo.

Mabuti at lumilipas ang panahon.
Natuto akong bumangon.
Halos ayoko ng lumingon.
Pagka-wasted ko ay itinapon.

Ngunit ang panahon ay mapaglaro.
Ibinalik ang kahapon.
Isang gabi, sa unang pagkakataon.
Sinabi mong mahal mo ako.

Ang sabi kong hindi na babalikan,
Ngayo’y hinahagkan.
Kung maaari lang sana’y wag itong maging nakaraan.
Nais kong manatiling ganito magpakailanman.

Ang panahon man ay lilipas.
Pagyayamanin ang mga bakas.
Dahil ikaw ang aking lakas,
Kakayanin na ang bawat bukas.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments