Pangalawang Pamilya

by Laurice C. Flogencio | shared on He Said, She Said |

Unang tapak ko sa k’warto
Kaba ang naramdaman ko
Habang pinagmamasdan ko
Ang inyong mga mata
Ramdam ko kayong kinakabahan rin
Ngunit ang totoo ay nais ninyong matuto

Isa,dalawa,tatlo hanggang milyon
Milyong letra ang nais ninyong malaman
Bigkas ng mga letra at numero
Sinasabayan ninyo
“Good Morning” unang bungad sa kaliwanagan
Pagbati ninyo nagdadala ng kasiyahan.

Kasiyahan ng puso ko magbigay ng kaalaman sa inyo
Kahit dala sa umaga kape at pandesal
Upang hindi mahuli sa silid-aralan
Silid-aralan na punong puno ng karanasan
Karanasan na hindi natin malilimutan
Kalokohan natin hindi matutubasan nino man.

Sa loob at labas ng silid-aralan
Tayo’y magkakaibigang tunay
Kahit ako’y inyong malimutan,
Kayo’y aking yaman
Taos pusong nagpapasalamat sa ating pinagsamahan.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments