Para sa iyo, Para sa akin, at sa Ating Paglaya

by Niño Lucas | shared on He Said, She Said |

Magsimula tayo sa ‘yo at sa ating kuwento.

Mahal, tayo ay sumubok ng larong walang kasiguraduhan kung sino ang panalo at kung sino ang matatalo. Sa iyo nadama ang tuna’y na ligaya, ligayang unti unting nababahiran ng takot kung hanggang saan ba ito patungo.

Sa paglubog ng araw at sa pagdilim ng paligid para sa atin, tanging kamay mo ang aking hinahanap upang kapitan ngunit ika’y hindi na maabot. Sa aking paglingon ay wala ka na pala. Ikaw ay bumitaw sayong mga pangako at ako’y tuluyang nilisan.

Mahal, hindi ako sumuko, sinubukan kong talunin ang kadilimang hatid ng sakit ng ikaw ay lumisan, at ako ay nagtagumpay na ikaw ay muling masilayan.

Sa puntong ito ang isip ko’y gulong gulo sapagkat ikaw ay natagpuang maliwanag sa piling ng iba. At sa sobrang liwanag ako’y nasilaw; at pangalan mo pa rin ang aking sigaw ngunit ikaw ay hindi natinag.

Sa puntong ito, ako ay nakaramdam ng matinding pagkapagod. At sa nakakabinging katahimikan na bumalot sa atin alam ko na ang kasagutan sa lahat ng aking katanungan.

Burado na ang salitang tayo kaya’t hindi na mapagtutugma ang mga salitang ikaw at ako. Ikaw ay pinapalaya na mahal. Ang aking pabaon lamang ay respeto para sa inyo ng bago mong liwanag.

Ang hirap palang isipin ng bukas sapagkat sa ati’y wakas na.

Ikaw ay malaya na at unti unti kong papalayain ang sarili ko sa ating mga alaala na hanggang dito na lamang.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments