Para Sa ‘yo Itong Awit Na Ito

Para sa ‘yo itong awit na ito,
Isinulat ko nung unang beses mong pinatibok ang puso ko,

Bawat linya ay para sa ‘yo,
bawat tono ay ay kasabay ng pag pintig ng puso ko.
Sana madama mo na para sa ‘yo ang awit na ito.

Sa paglayo mo di ko maisip ang katapusan nito,
kung dapat bang ituloy pa
o hayaan na lang sa parteng masaya pa tayo?

Dumating na ang dulo pero di ko maisip ang sakit na dulot.
Bakit mo ako iniwan, bakit mo kailangan lumisan.
Paano ko pa itutuloy ang awit na ito
kung napatid na ang mga korda ng gitara ko.

Gusto kong bagalan ang takbo ng kantang ito,
para maramdaman mong nandito lang ako.
‘Pag tapos ng awit na ito, baka ito na din
ang hangganan ng k’wento mo sa buhay ko.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments