Sa Aking Kaindayog

by Louly | shared from He Said, She Said |

Isang araw pang muli mong iparanas sakin ang maisayaw.

Gaya dati.

Ang aking Una at ang iyong huli.

Ipadama mong muli sakin ang yong mga palad at ang iyong yakap. At muli mo akong titigan na parang Mga bituin. Sapagkat muli ko na namang naalala ang mga Sandaling iyon. Kung saan sabay sa musika ang pag palit-hakbang ng ating mga paa. Ang musikang tumutugtog ng mga panahong iyon ay pawang hindi ang ating awitin ngunit masaya pa rin ako. Masaya ako dahil ng panahong iyon ay natutunan Kong Ikaw lang ang dapat Kong mahalin. At sya nga, Ikaw lang at wala ng iba pa.

Ngunit, natapos ang pag tugtog ng awit at AKO AY BUMITIW.

Samantalang Ikaw naman ay naghanap ng ibang musika at muling nagsayaw sa piling ng Iba. At ako? Ako na bumitaw sa pagkakahawak ay kailanmay di na sumayaw datapway kumanta. Kasama nya.Mas sumaya ako sapagkat iisa ang sinusundan naming nota.

Subalit…

Dumating ang panahong napaos siya at tumigil sa pag awit. At ang babaeng iyong isinayaw ay bumitiw na rin. Ano’t ngayo’y walang musika ang sa ‘ting dalawa’y tumutugtog?

Hinanap ko ang iyong pagsuyo. Oo, Hinanap ko ngang mainam. Dahil aking napagtantong Maling mali ang aking tinuran nuong una na “ang sayaw na iyon ang siyang huli.”

Marami pa akong awiting nalalabi at SANA, aking naisip. Sana’y muli mokong sabayan sa aking muling pagsayaw.

Dahil oo, Sa mga oras na ito’y muli kitang minamahal. Minamahal kita! Hoy! Makinig ka. MINAMAHAL KITA. pero ang entabladong ating pinagsayawan dati ay naimis na Nila.

At alam ko lang na ang isang ANGHEL na gaya mo ang syang may kakayahang muling magtayo nito Isang klase ng entabladong matibay. Hayaan mo At ako ang bahala sa musika at sisiguraduhin kong hinding hindi na ito magtatapos pa.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the sitehttp://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments