Sa muling pagtatagpo

by Mira Quel | shared on He Said, She Said |

Di ko na halos ma-alala ang pakiramdam ng tumitig sa iyong mga mata .
Ang damhin ang tibok ng iyong puso mula sa dibdib mo sa umaga.
Ang mangarap sa ilalim ng mga bituwin at mangakong ang bukas ay sabay muli nating haharapin.
Ang Ihele ng ihip ng hangin at himig ng mga puso’y palayain.

Ilang taon naba? Matagal tagal narin hindi ba.
Nakakagulat nga at nakasanayan ko na bigla nalang wala ka.
Sa loob ba naman ng mahabang panahong ikaw ang kasa-kasama. Biglang isang iglap layo mo’y milya-milya.

Ilang gabing di mabilang ang nagdaan.
Unan ang sumasalo sa mga likidong pumapatak sa mata kong luhaan.
Tanging pader nalang ang nagsilbing sandalan.
Wala na ang “ikaw” na ilang ulit ipinaglaban.

Ilang tag-ulan ang nag daan ako na ay nahimasmasan.
Ngunit aamining sa aking isip sumasagi ka parin kadalasan.
Ganoon siguro talaga sapagkat labis kitang pinahalagahan.
Tadhana’y di nga lang umayon kaya’t piling koy nilisan.

Ngunit isang gabi, isang pamilyar na muka ang nakitang muli.
Saking dibdib ay may kabang di ko mawari.
Na tila saglit ako’y nilisan ng aking buti.
Gustong isigaw ang ngalan mo pero hindi ko nasabi.

Nagtama ang ating mga mata sa loob ng tatlong natatanging segundo.
Ngunit hinayaan mo lang ang paglagpas ko.
Hinintay ko ang paglingon mo.
Ngunit di mo ginawa dahil iba na ang kasama mo.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments