Sana di pa huli ang lahat

by Sab Quines | shared on He Said, She Said |

Alam kong masaya ka na
At hindi na kita dapat pang ginugulo
Pero sa huling pagkakataon
Lalaban ako.

Kahit pa pakiramdam ko
Tapos na ang laban
Kahit pa pakiramdam ko
Wala rin namang patutunguhan

Kasi kita naman sa iyong mga mata ang liwanag
Sa tuwing kayo’y magkasama
Pero ayaw kong sumuko nalang
At itapon ung salitang tapos na.

Kahit masakit
Kahit pa paulit ulit
Lalakasan ko ang loob ko
Malaman mo lang na ikaw ung matagal ko nang gusto.

Feel free to send in your poems (English or Tagalog) via message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one. He Said, She Said Philippines reserves the right approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments