Simula

by Czarina Leigh Fernandez | shared on He Said, She Said

Simula ng nakita kita
Nahumaling na agad ako
Nahumaling sa ngiti mo
Nahumaling sa tawa mo
Nahumaling sa lahat ng iyo

Simula nung nakita kita
Nagiba ang mundo ko

Maging mas makulay,
Mas masaya,
Mas nakakakilig

Dahil simula ng nakita kita,
Naging kumpleto na ‘ko

Naging perpekto ang buhay ko
Walang hinihiling na iba
Yung tipong ikaw lang sapat na

Nasanay ako,
Nasanay ako na lagi kang kausap
Nasanay ako na lagi kang nandiyan
Nasanay ako sa lahat ng bagay na binibigay mo

Pero hanggang dun lang pala…

Hanggang kaibigan lang pala…

Simula nung ako’y nahulog
Nahulog sa mabubulaklak na salita
Nahulog sa ngiti mong nakakaakit talaga
Nahulog sa amoy mong nakakapagpabago ng aking emosyon
Nahulog sa tawa at boses mong ang sarap pakinggan
Nahulog sa mga puri mo sa ‘kin
Nahulog sa mga linyahang nakakakilig
Simula no’n,
Di ko na napigilan ang aking sarili
Minahal kita kahit may mahal kang iba

Minahal kita.
Kasi umasa akong ganon din ang tingin mo sa ‘kin
Sa mga kilos na ginagawa mo
Sa mga umagang bumubungad ang “Good morning” mo
Sa mga gabing natatapos ng “Goodnight po”
Sa umagang sinisimulan mo ng kilig at gabing tinatapos mo din ng kilig

Umasa ako,
Umasa ako ng todo.

Kaso hindi.

Sweet ka lang

Pero ba’t ganyan?
Bat ko hinayaan ang aking sarili na mahulog?
Bat ako nag-paagos sa karagatan ng kalandian mo?
Bat ako magpaagos sa karagatan ng katangahan ko?

Bakit?

Simula ng lahat ng yan
Nagiba ang mundo ko
Naging miserable ito
Naging tahimik
Naging malungkot
Kung dati ay nagaalmusal ako ng kilig
Ngayon ay nagaalmusal ko ng lungkot
Kung dati ay matutulog ng may ngiti
Ngayon ay matutulog ng may luha

Dahil simula ng nakilala kita
Natutunan kong mapagisa
Natutunan kong umahon
Natutunan kong magmahal ng walang kapalit,
kahit hindi mo na ibalik
ang pagmamahal na binibigay ko

Kailangang tapusin ang nasimulan.

‘Wag kang mag-alala
Ako’y makakaahon mula na hinagpis
Maliwanag na sakin ang lahat.
Pero mah…
Pero, patuloy pa rin kitang mamahalin
Hanggang sa matutuhan ko na itong tanggapin,
Hanggang sa ako’y maliwanagan,
Hanggang sa muli, kaibigan
Kaibigan kong minahal ng sobra
Paalam.
Pasensya na kung ito’y biglaan
Pero masakit na.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments