Takot Maging Forever Single?

Forever Single

Hi Tito Homer and Tita Jinky. Kumusta po? Isa po ako sa mga followers niyo at isa rin po ako sa mga nag-sesend ng poetry sa inyo. 🙂

Nag-message po ako ulit para humingi ng advice sa inyo. May nakilala akong ka-chat through an app. Ok naman siyang kausap. May mga bagay din kaming na-didiscover na magka-pareho kami. Halos everyday kaming magkatext at magkausap sa phone. After 2 weeks, nag meet kami. Ok naman yong first meet up namin. Nag enjoy naman ako na kasama ko siya.

After 3 weeks nagsabi na siya ng feelings niya sa ‘kin na gusto n’ya daw ako. Nag-I love you na rin siya akin.

Though gusto ko na rin siya kasi ok naman siyang kausap at masaya ako na kausap kapag kausap siya. Pero hindi ko po sinasagot yong I love you na message niya.

And then, nag-decide ako na ipakilala na siya sa mama ko as my suitor. Gusto ko kasing maging legal at mas open sa mother ko lalo na sa mga ganong bagay.

Last Saturday, pinakilala ko na sya kay mama. Sobrang kaba daw niya. Muntik pa nga siyang umatras kasi talagang kinakabahan daw sya na humarap sa mama ko.
So far ok naman po. Nag dinner lang kami then naisama din namin sya sa bahay nong umuwi na kami para ihatid na rin kami.

The next day, Sunday, nagkwentuhan kami ni mama. Nagtanong siya saan ko daw nakilala si guy. Ilang beses na kaming nagkita at kung anu-ano pa. Sumasagot naman ako. Tapos sinabi na lang niya na ayaw niya daw kay guy para sa akin. Sabi ko bakit. basta ayaw daw niya. Sabi ko dahil ba hindi siya guwapo?

Aanhin ko naman ang gwapo kung manloloko naman. Tapos di siya nagsalita. Basta ayaw daw nya. Sabi ko mabait naman yon at nagkakasundo kami sa maraming bagay. Sabi niya may mahahanap pa naman daw akong iba.

Sabi ko, 29 na ako — mamimili pa ba ako? Mahihirapan na akong magka-anak. Sabi niya may iba naman daw diyan, 35 na nakakapag-asawa pa rin. Sabi ko, aantayin ko pa bang mag 35 ako bago ako mag-asawa? Hindi na ako magkaka-anak non. Wala na nga akong kapatid eh.

Muntik na akong maiyak sa usapan namin na yon Tito and Tita, kasi nasaktan po ako eh. Hindi ko expect na sasabihin yon ng mama ko. Basta ayaw niya daw po 🙁

Tito/Tita, opo hindi siya guwapo. Payat sya, hindi ganon kaputi at pahaba ang shape ng face niya (kumbaga mahaba ang baba) at may bungi siya na ngipin sa baba. Pero mabait po siya, Mapagmahal sa pamilya, friendly, hindi nag-yoyosi, magalang, may trabaho naman at adventurous.

Simula po nong nalaman ko yon sa mama ko, parang naguluhan na po ako sa feelings ko. Gusto ko si guy pero wala pa namang love. Gusto ko siya kasi masaya akong kausap siya.

Ayaw ko pong masaktan ko siya pero recently napapansin niya na parang nagbabago na ako sa kanya.

Ano pong gagawin ko? Naguguluhan po talaga ako. 🙁 Mahal ko po ng sobra ang mother ko. Ang hirap po pala mag-decide sa ganitong sitwasyon lalo na pag involved na ang family. Sana po matulungan nyo ako. 🙁 Sorry kung mahaba po ang message ko.

Maraming salamat po. God bless!
– Gloree

OUR REPLY:

Hi Gloree,

Thanks for confiding this to us.

First things first. We understand where you’re come from and so with your mama. Both of you have your points in the right place, most especially both your concerns. But let’s put them in the right perspective, ok?

Dun sa concern ng mama mo. Ilagay na lang natin na “unsaid” concerns ito. Always remember, parents, especially moms, want the best for their children. Para sa kanya, di pa ito ang best para sa iyo — sa ngayon. Ilagay na din natin ang isa sa 10 Commandments to Love and Respect your parents. This means, ipagdasal mo din kung ano nga ba ang tunay na sinasabi o concern ng mama mo. Mostly, feelings or intuition kasi yan ng mother.

Now, dun tayo sa side mo. Nainitindihan naman namin na natatakot ka sa age mo na 29. But wait. Kung yun lang ang concern mo na baka mahuli ka sa biyahe, there is no such thing. Yesterday, we came from a wedding. Yung kasama naming young Ninang ay halos 40 na siya nang magpakasal. Older guy, siyempre, at di naman ka-guwapuhan, pero click sila. So, age doesn’t matter, and so does the looks. Therefore, don’t let your age be a burden in finding true love. Wag kang magmamadali. Ayusin moo muna ang concern ng mama mo para lahat peaceful, ok?

So what’s next. Hayaan mo yung guy na manligaw ng husto. Mas mainam, sa bahay siya manligaw — at mama mo ang ligawan din niya. Dito mo malalaman ang tunay na intensyon niya at sino ba siya talaga. Dapat, kaya ka niyang ipaglaban.

Besides, di ka pa naman inlove. So mas mainam, guard your heart. Wag gawing basis ang age mo. Bata ka pa. Dami naming inaalagaang single ladies way beyond 29! At di sila takot sa age nila. Mas mahirap ang magsisi sa huli, ok? Remember, God’s plans are more important than yours.

Encourage the guy na magkalakas-loob. Pray for yourself to have guidance and clarity. Don’t fall in love for the wrong reasons, Gloree.

God bless,
Tito Homer & Tita Jinky

Gloree’s Reply:

Hi Tito Homer and Tita Jinky.

Thank you po for your quick and prompt response. Lalo na ngayon na sobrang naguguluhan ako na-sasad rin dahil dito.

Ganon po pala yon. kaya ayaw nya kasi hindi yon ang best para sa akin. ngayon ko lang po naisip at na-realize yong part na yon. pinakilala ko lang naman po si guy kasi ayaw ko na pong mag-lihim sa kanya.

To be honest po, na-ppresure na rin talaga ako. palagi nalang kasi akong topic dito sa office dahil ako nalang ang single dito. kapag nakikita ako ng mga relatives ko puro ganon din. kailan daw ba ako mag-aasawa. nakakainis lang po kasi talaga minsan. kaya naisipan kong mag download ng dating apps kasi baka doon ko makilala yong binigay sakin ni Lord.

hihingi nalang po sana ako ng advice kung paano ko sasabihin kay guy in a good way na friends nalang ang kaya kong ibigay na treatment sa kanya. yong the way na hindi sya masyadong masasaktan kahit na alam kong nasasaktan ko na sya ngayon palang. medyo na-guguilty lang po ako kasi ang bait nya talaga sa akin e. ok lang po ba na sabihin ko kahit thru text/call or kausapin ko po ba dapat sa personal? hindi ko pa po kasi sinasabi kay guy na ayaw sa kanya ng mama ko kasi ayaw ko rin po syang masaktan. hindi ko na rin po sigurado kung makakaya ko pa syang mahalin lalo na ngayon na affected talaga ako sa sinabi ng mama ko at naguguluhan po talaga ako.

Tanong ko rin po, what do you mean po na may inaalagaan kayong mga single? May mga seminar po ba kayong kina-conduct? If so, willing po akong umattend sa free time ko.

Thank you so much po!
God Bless!

– Gloree

OUR 2ND REPLY:

Hi Gloree. You have to be straight and honest with the guy. Never mind his feelings in this matter. Yan ang papel ng guy. Maging matapang. Kung gusto ka niya, ipaglalaban ka niya, no matter what. Same sa relasyon. Kung sinuman ang itinadhana sa yo, walang makakapigil nun. 🙂

Now, sa office? Never mind them. Sino ba ang makikisama, sila o ikaw? 🙂

And yes, may mga pina-pastor kaming singles. We are part of a community worldwide. Let us know saang lugar ka, at irerefer ka namin.

God bless,
Tito Homer & Tita Jinky

Need advice? Pm us.

(Visited 25 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments