Tayo pa ba?

by Marjorie Pamittan Sibal | shared on He Said, She Said |

Matagal na ang panahon.
Ilang buwan na din ang lumipas.
Noong una, sobrang sakit.
Bawat umaga, sobrang bigat ng dinadala.

Ako’y naghanap ng paraan para hanapin ka.
Nag search sa facebook at nagtanong tanong sa mga kakilala.
Wala akong nakuhang impormasyon.
Wala akong sagot sa mga tanong.

Gusto ko pang kumapit.
Gusto ko pang magtiis.
Kahit bumibigay na ang aking puso.
Kahit alam kong wala ng posibilidad.

Pero napanaginipan kita.
Hinanap ko yun sa Facebook.
Ayan nakita ko na.
Napamura ako kasi nakita kong okay na okay ka pala
habang ako nag hihintay na magparamdam ka.

Sobrang sakit. Di ko maigalaw yung mouse.
Sabi ko nalang “Mind over body”.
Chinat ko yung nagpost.
Tinanong kita.

Napabuntong hininga nalang ako,
Na-seen ako.
Ganun na ba kahirap bumalik sakin?
Tayo pa ba? O ako nalang nag iisip nun?

Ang tanga tanga ko na.
Sana kaya ko pa kasi ang sakit sakit na.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

(Visited 2 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments

SHARE
Previous articleI Miss You
Next articleHuling Pahina